Boston C Herbs

header photo

Colon Cancer Stage IV Met to the Lung, Liver & Brain Survivor

September 23, 2014

Cancer Survivor Amazing Recoveries

Sir Rolly Andallo, 40 years old from Vigan Ilocos Sur at Switzerland

Hindi nakaya sa Switzerland ang sakit na cancer ni Sir Rolly, wala pa daw natuklasang gamot sa cancer. Parang sasabog ang dibdib niya sa sinabi ng doctor sa Switzerland. Bata pa siya sa edad na 40 para mawala dito sa mundo. Napakaganda pa naman ng kalagayan niya sa bayang tinirhan, isa siyang arkitekto na may mataas na katungkulan at malaki ang sinasahod. Hindi niya kayang kitain ito sa pinas at higit sa lahat may asawa siya na isang Mongolian beauty, wala pa silang anak Naglaho lahat ng mga pangarap niya dahil terminal ang sakit niya.

Hindi siya nagdalawang isip na umuwi ng Pinas upang hanapin dito ang kasagutan sa kanyang sakit. lisa ang payo ng mga doctor dito, operahan siya sa colon at magchemo pagkatapos. Dahil sa tindi ng kirot at humihilab na tiyan. hindi na makakain. nahulog na ang katawan, pumayag siya na maoperahan. Hindi pa naghihilom ang malaking sugat sa tiyan sumailalim na kaagad sa chemo. Subalit ang inaasahang paggaling ay hindi nakita ni Sir Rolly. Nanduon pa rin ang kirot ng sikmura at hirap ang paghinga. Hindi na din makakita ang isa niyang mata. Ayon sa doctor umakyat na sa utak ang cancer.

Sa huling pagsusuri sa sikmura lumabas na tadtad na sa bukol ang atay niya , araw¬araw naka-oxygen na. Dalawang chemo lang ang natapos dahil hindi tumatalab ang gamutan ayon kay Sir Rolly. Pahina ng pahina ang katawan, ayaw tumigil ang kirot sa sikmura, hindi na inaalis ang oxygen dahil mawawalan ng malay ang mama. Mabuti na lang at may uncle siya na isang pancreatic survivor na nagpagamot sa Boston C. Gabi ng dumating sila sa Boston C clinic. Kaagad na sumailalim sa high level fasttrack treatment Si sir Rolly. 3 araw pa lamang. Nakaginhawa na siya. Wala na ang kirot na nararamdaman, hindi na nag-ooxygen, masarap na ang tulog at nakakatayo na mag-isa. Isa itong himala wika niya sa mga kamag-anak na tumatawag sa kanya!

Back to Testimonials

Go Back

Comment