Boston C Herbs

header photo

Malaking Himala ng Diyos ang sagot sa Cancer ni Racquel!

September 23, 2014

 Cancer Survivor Amazing Recoveries

Mrs. Racquel Torres, 52 years old, Malolos, Bulacan, Breast Cancer met to the lungs, liver, brain, bone-SURVIVOR

Breast Cancer Stage IV lumukso sa utak, tinubig ang baga, nakaratay na lang, hindi na makausap, araw-araw tumitirik ang mata. Hindi na makaupo, makatayo, o makalakad. Hindi na kumakain, nakapikit na ang mga mata, ungol ng ungol, naka-oxygen na at oras nalang ang hinihintay. Himala ng Diyos ang inaasahan. Araw at gabi, walang tigil sa kadadasal ang mga kaanib sa relihiyon ni Racquel subalit wala parin nakikita na pagbabago sa kalagayan ng pasyente na magbibigay inspirasyon sa mga nagdadasal upang ipagpatuloy ang kanilang panata. Hindi tumatalab ang kanilang panalangin dahil palala ng palala ang karamdaman ni Racquel. Kung dati segundo lang ang itinatagal ng seizure ngayon ay minuto na. Tuluyan na silang tumigil. Matapos na isuko na ang pakikipaglaban at ipaubaya nalang sa Diyos ang kapalaran ng pasyente, dumating ang malaking himala sa buhay ni Racquel Torres ng Malolos, Bulacan. Natagpuan niya ang natatanging gamot, may nagbalita sa kanya tungkol sa bisa ng Boston-C. Ito ang malaking himala ng Diyos na pinakahihintay ng lahat ng mga kamag-anak at kaibigan. Tatlong araw lang na gamutan, hindi na umulit ang pagtirik ng mata. Bumalik ang kanyang lakas at pag-iisip, muli niyang nakita at nakausap ang mga mahal sa buhay. Muli siyang nakakakain, nakakaupo, nakakatayo, nakalakad, at nakikipagkwentuhan sa mga tao, na dati ng wala pa siya sa Boston-C clinic ay lubos na hindi na niya nagagawa.

 

Ako po Si Gng. Racquel Torres edad 52 ng Malolos, Bulacan ay sinamang palad na tamaan ng Cancer sa dibdib. Ito ay natuklasan dalawang taon na ang nakakaraan. Napakabilis ng paglaki ng bukol. Nagsimula ito sa gamonggo na bukol. Hindi ko ito pinansin dahil akala ko ordinaryong bukol lang. Lumipas ang 7 buwan, napapansin ko na namumula ang paligid at nagulat ako dahil bigla ang paglaki. Halos sinlaki sa itlog ng manok. Kinabahan na ako at kaagad nagpasuri sa isang oncologist. Napailing ang doktor, alam nya nanganganib ang aking buhay. Kumuha ng laman sa aking bukol at ipinasuri, Ductal Carcinoma daw. Kailangan tanggalin ang buong suso upang huwag na kumalat pa. Matapos akong operahan ay kaagad akong sumailalim sa anim na chemotherapy at sinundan pa ng 60 na radiation therapy. Nakalbo ako at nanghina ang aking katawan. Side effect daw ito ng chemo pero mawawala din daw. Lumipas ang isang taon ako ay muling nag chemo. Nakadalawang beses na akong nagchemo ng isang araw bigla na lang akong natumba at tumirik ang mga mata akala ko katapusan ko na. Ayon sa pagsusuri ng aking oncologist nasa utak ko na ang cancer at namamaga daw ang utak ko. Wala pa lang bisa ang operasyon, chemo at radiation. Dahil kung mabisa ito bakit may tumubong bukol sa utak ko at bakit namaga pa.

 

Inalok muli ako na ituloy ang chemo dahil ito na lang daw ang gamot, subalit di na natuloy pa. Pa grabe ng pagrabe ang kalagayan ko araw araw na tumitirik ang mga mata ko. Sinabihan ng doktor ang aking asawa na anumang oras mawawala na ako. Sa bahay na lang ako maghihintay ng huli kong hininga. Pagkaraan ng isang lingo na comatose na ako, nakatingin sa kawalan, kinakausap pero wala akong reaksyon. Lahat ng aking ginagawa sa higaan ko na ginagawa. Bumili na ang mister ko ng damit na isusuot ko sa aking pagpanaw. Wala na rin tigil ang iyakan sa bahay, 24 oras na ang pagbabantay. Subalit kung hindi mo pa pala oras ay may darating na himala. Isang kapit bahay ang nagsabi tungkol sa isang Boston-C. Nasa stretcher ako ng tinignan ako ng Herbal Scientist na si Sir Ton. Tinignan niya ako ng matagal ayon sa aking asawa at oras na lang daw ang hinihintay ko. Magbaka sakali daw kami. Kaagad na ipinasok ako sa isang private na kwarto. Pinainom niya ako ng Katoni Herbs + Cyeton-S kada 10 minuto. Wala pang 24 oras nakadama na ako ng ginhawa at himala ng mga himala hindi na tumitirik ang aking mga mata,lumalakas ang aking katawan, muli nakakausap ko na ang mga mahal ko sa buhay, nakakakain, nakakatayo, at nakakalakad. Salamat sa Diyos at sa Boston-C Clinic, sana marami pa ang matulungan ng Boston-C!

 

 

Go Back

Comment